Planong bumuo ng low-cost ventilator system ang Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) at University of San Carlos (UCS).
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang gagawing pag-redesign ng low-cost ventilator system ay makatutulong sa pagpigil ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng airbone virus lalo na sa tropical countries gaya ng Pilipinas.
Aniya, posibleng gamitin ito sa eskwelahan, ilang establisimyento tulad ng bangko, opisina at mga pampublikong sasakyan.
Sa katunayan, umalis na patungong Max Planck Institute of Chemistry (MPIC) sa Mainz, Germany ang tatlong engineers ng USC para pag-aralan, magsanay at matuto ng mga proseso, disenyo at engineering sa paggawa ng nasabing ventilator.—sa panulat ni Abie Alño-Angeles