Kung wala ka pang naiisip na anumang pagkakaabalahan, huwag nang mag-alala dahil merong hobby na mura, maka-kalikasan at mabuti para sa ating kalusugan.
Ayon sa pag-aaral, ang hiking ay isang uri ng powerful work-out.
Maliban sa magandang tanawin at malinis na hangin, nakatutulong din ang hiking para mabawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng heart disease.
Pinapaganda rin nito ang ating blood pressure at blood sugar levels.
Pinapatibay rin nito ang mga buto at nagpapalakas ng glutes, quadriceps, hamstrings, at muscles sa hips at lower legs.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles