Asahan parin ang epekto ng hanging amihan kayat magiging maulap na may mga pag-ulan ang bahagi ng Luzon lalo na sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Magiging maaliwalas naman sa natitirang bahagi pa ng Luzon pero posibleng magkaroon ng pulo-pulong mga pag-ulan sa hapon at sa gabi.
Makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang Southern Luzon area ganun din sa buong Visayas pero aasahan ang mga isolated rain showers dulot ng mga localized thunder storms.
Magkakaroon naman ng maulap na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa katimugang bahagi ng Mindanao bunsod ng low pressure area (LPA).
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:17 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:02 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero