Wagi sa NBA ang Los Angeles Clippers kontra Houston Rockets sa iskor na 142-111.
Nilampaso ng Clippers ang Rockets matapos mabigong makabawi sa 1st hanggang 4th quarter.
Nanguna sa koponan si Marcus Morris na nagpakawala ng 27 points, 5 rebounds at 3 assists habang nakapagtala din ng 25 points si Luke Kennard.
Abangan naman sa sabado ang susunod na laro ng Clippers kung saan, kanilang makakalaban ang Los Angeles Lakers, alas-11 ng umaga, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero