Hindi tinapos ni presidential candidate at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang campaign caravan sa lungsod ng Maynila, kahapon.
Dakong alas-3 ng hapon nang umarangkada ang convoy ni Marcos sa Parola Street, Tondo, ang pinaka-mataong lugar sa kabisera ng bansa.
Kasama ni BBM sa pick-up ang kapartidong si Atty. Alex Lopez, na tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod.
Gayunman, maagang umalis ang dating gobernador ng Ilocos Norte sa convoy at sumakay ng isang private vehicle bago mag-gabi matapos lumampas sa Herbosa street.
Ito, ayon kay Lopez, ay dahil sa security concern dala na rin ng pagka-antala ng dating ng caravan na dinumog ng sangkaterbang tao kaya’t ala-5:30 pa lamang ay tinapos na nila ang aktibidad.
40 kalsada sa anim na distrito ng Maynila sana ang daraanan ng caravan sa loob ng dalawang oras pero siyam lamang anya ang kanilang pinuntahan at pawang sa Tondo ang mga ito.