Isang senior citizen ang nasawi sa sunog sa barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang biktimang si Mely Mencias, 76 na taon, na na-trap sa kapilya na nasa ikatlong palapag ng kalayaan Talipapa Market.
Nailigtas naman ng mga bumbero ang isang 10 taong gulang na babae.
Pasado alas-4 ng madaling araw kahapon nang sumiklab ang apoy sa third floor at kumalat sa buong gusali dahilan upang ideklara ang ikalawang alarma.
Dakong ala-6 na ng umaga nang tuluyang maapula ang sunog.
Tinatayang apat na milyong piso ang halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian habang inaalam pa ng BFP ang sanhi ng pagkalat ng apoy.