Mahigit 21k na mga turista ang dumating sa bansa simula nang muling buksan ng pamahalaan ang borders para sa International Tourism.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, karamihan sa mga ito ay nagmula sa Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Canada at South Korea, at mayroon ding nanggaling sa Australia, Vietnam, at Japan.
Sinabi pa ni puyat na 45% ng tourist arrivals ay mga balikbayan.
Mababatid na simula noong Pebrero 10 ay binuksan ng Pilipinas ang borders nito para sa mga fully vaccinated international travelers.