Nakitaan ng pagbaba sa mga kaso ng COVID-19 ang siyam na siyudad sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, sa naiulat na 1,712 na mga kaso nitong Linggo, 369 dito ay nagmula sa National Capital Region.
Kabilang sa mga nakitaan ng pagbaba sa Covid-19 daily tally ang Quezon City, Parañaque, Makati, Taguig, Pasay, Las Piñas,Caloocan, Navotas at San Juan.
Samantala, nakapagtala naman ng pagtaas sa kaso ng virus ang Maynila, Pasig, Mandaluyong, Valenzuela, Muntinlupa, Marikina at Pateros.
Habang hindi naman gumalaw ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Malabon City.
Ayon pa kay David, bumagal ang covid-19 growth rate sa rehiyon sa negative 33%, at naitala naman ang 0.21 na reproduction number.