Humingi ng tulong ang libo-libong empleyado ng Private Emission Testing Centers (PETCs) kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III makaraang ibasura ng Department of Transportation ang kanilang operasyon para sa smoke emission testing sa buong bansa.
Ayon sa PETCs, binalewala ng DOTr ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suriin nila na muling i-renew ang kanilang otorisasyon upang makapag-operate at mapangalagaan ang kalikasan laban sa mga sasakyan sa kalsada na sobrang mausok.
Sinabi naman ni Kayjun Evangelista Pangulo ng alagaan natin inang kalikasan ani kalikasan, sa bawat pagsibak sa kanilang mga samahan ng petcs ay pinapalitan ito ng pmvic.
Dahil dito maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho at naghirap dahil na rin sa pandemya.
Nakatakda namang magsagawa ng kilos protesta ang PETCs. – sa panulat ni Airiam Sancho