Puspusan na ang paghahanda ng Philippine National Police o PNP para sa pagsisimula ng Lokal na Kampaniya para sa Halalan 2022.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, magpapatawag muli siya ng Command Conference ngayong linggo para plantsahin ang kanilang magiging deployment.
Aniya mahirap na trabaho ang pagbabantay sa mga kandidato sa lokal na posisyon dahil maglilbot ang mga ito sa mga kasuluksulukan ng kanilang nasasakupan kaya’t kailangan nilang magshift sa tinawag na High Gear.
Bukas, nakatakdang bumisita si Carlos sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM gayundin sa SOCCSKSARGEN regions para sa kaniyang Command Visit.
Mahigpit na binabantayan ng pinagsanib na pwersa ng Militar at Pulisya ang dalawang nabanggit na rehiyon dahil sa matinding away pulitika gayundin sa presensya ng mga Private Armed Groups o PAGs.