Nanawagan ang NAMFREL o national citizens’ movement for free elections sa Pangulong Rodrigo Duterte na i-prioritize ang merits at transparency sa pagtatalaga ng Comelec chair at dalawang commissioners.
Ayon sa NAMFREL na nais nilang isapubliko ng Pangulo ang mga pinagpipiliang kandidato sa pagka-commissioner ng Comelec para makilatis din ng mga mamamayan at makatulong sa pagtatalaga ng Pangulo sa mga bakanteng puwesto sa komisyon.
Mahalaga anitong matiyak ang transparency sa proseso at matukoy ang mga most qualified at competent appointees lalo pat nahaharap sa hamon ng pandemya ang isasagawang eleksyon sa buwan ng Mayo.