Nasa lungsod na ng Lviv, Ukraine ang consular team ng Philippine Embassy mula Poland upang sumaklolo sa mga Filipino sakaling sakupin ng russia ang dating Soviet Republic.
Ang two-man team ay binubuo ng isang Consul at Assistance-To-Nationals Officer.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakikipag-ugnayan na ang dalawang opisyal sa Philippine Honorary Consulate general sa Kyiv, Ukraine.
Sa unang araw ng misyon, nakipag-pulong ang consular team sa dalawang grupo ng mga pinoy na pansamantalang tumutuloy sa Lviv at lungsod ng Ivano-Frankivsk.
Simula noong Huwebes, anim na Pinoy pa lamang mula Ukraine ang umuwi sa gitna ng nagbabadyang digmaan sa Eastern Europe.