Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malinis, mapayapa at mapag-kakatiwalaang halalan sa Mayo a–nwebe kasabay ng inaasahang pagpili niya ng mga bagong opisyal ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, tatalima sa mga rekisitos ng saligang batas ang isasagawang botohan.
Magiging transparent din anya ang pagpili ng pangulo na ibabatay sa merito ng mga bagong itatalagang poll body official.
Pebrero a–dos nang magretiro sina dating Chairman Sheriff Abas, dating Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.