Tanging ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang lugar na nananatili sa moderate risk para sa COVID-19 transmission habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay pawang nasa low risk na.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mababa na ang health care utilization rates sa lahat ng rehiyon maliban sa Davao region.
Una nang inihayag ni Duque na nalampasan na ng bansa ang Omicron surge sa gitna ng nagpapatuloy na pagbaba ng bilang ng mga bagong nagkakasakit.