Tuluyan nang sinakop ng Russia ang Donbass Region ng Eastern Ukraine.
Ito’y makaraang kilalanin na ng Russia ang kalayaan ng dalawang Ukrainian-Breakaway Regions ng Donetsk at Luhansk.
Dahil sa nasabing hakbang, malaya nang makapapasok ang mga sundalong russo sa Ukraine.
Ipinag-utos naman ni Russian President Vladimir Putin sa Defense Ministry ang pagpapadala ng mga tropa upang mapanatili ang kapayapaan sa dalawang nabanggit na lugar.
Ayon kay Putin, noon pa dapat ginawa ang desisyon na kilalanin ang kalayaan at soberanya ng Donetsk People’s Republic at Lugansk People’s Republic.
Samantala, agad nagpatupad ng sanctions ang Estados Unidos at iba pang western nation at nanganganib ding mawasak ang peace process sa nasabing rehiyon.