Nangako ang Britain ng parusa sa Russia.
Ito’y ayon kay British Prime Minister Boris Johnson ay matapos kilalanin ni Russian President Vladimir Putin ang Breakaway regions ng Eastern Ukraine na paglabag aniya sa international law at malinaw ng madilim na kinabukasan ng rehiyon.
Nakikiisa ang Britain sa Amerika at European leaders sa agarang pagkundena sa nasabing hakbangin ni Putin kasabay ang pagkakasa ng mabigat na parusa para rito.