Bumulusok sa 4.9% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, na mas mababa sa five percent threshold na inirekomenda ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, ito ang unang pagkakataon na naitala ang nasabing bilang mula noong December 26, 2021.
Nananatili aniyang low risk ang rehiyon at maging ang mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal.
Nasa ‘very low risk’ category naman ang lalawigan ng Quezon.