Bumubuti na ang lagay ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nahawa sa COVID-19 sa Hong Kong kumpara nitong nakalipas na mga araw.
Ito ay matapos i-ulat ni Philippine Consul General Raly Tejada na tatlo sa 10 Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong, ang pinatulog sa labas ng kanilang mga emloyer.
Ayon kay Eman Villanueva, Vice Chairperson ng Filipino Migrant Workers Union (FMWU), karamihan sa mga Pilipinong ito ay nailipat na sa mga temporary shelters na kanilang pansamantalang matutuluyan.
Tinulungan na rin ng FMWU ang mga ito sa pinansiyal na tulong para sa pagkain at pagsailalim sa RT-PCR test.
Umabot na sa 90% ang capacity ng mga ospital sa Hong Kong kaya limitado na lamang ang kanilang tinatanggap.—sa panulat ni Abby Malanday