Bagamat matagal nang hindi dumadalo sa sesyon sa senado dahil sa problemang pagkalusugan, mamayang hapon ay dadalo sa session si Senadora Miriam Defensor-Santiago.
Ito ay para isponsoran ang kanyang resolution may kaugnayan sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na kasunduang pinasok ng Pilipinas sa Amerika.
Matatandaang mariing kinuwestyon ni Santiago na hindi dumaan sa pag-ratify ng senado ang EDCA.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)