Handa na sa Pandemic Exit ang Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Dr. Rontgene Solante, Vaccine Expert Panel Member, naniniwala ito na nakahanda na ang bansa na tugunan ang epekto ng COVID-19.
Maliban dito, maaari na rin umanong ibaba ang National Capital Region (NCR) sa Alert level 1 kung pagbabasehan ang pagbaba ng mga kaso sa bansa.
Gayunman, hindi ibig sabihin nito na pwede nang magpabaya, sa halip ay kailangan pa rin magdoble ingat lalo na may banta pa rin ng virus.
Kabilang aniya sa mga dapat pa ring gawin ay ipagpatuloy ang bakunahan, sumunod sa mga minimum public health standards, at i-monitor ang mga kaso ng COVID-19.