Muling nag-alburoto ang Taal volcano sa Batangas makaraang makapagtala ng 14 na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala rin ng dalawa hanggang limang minuto at dalawang low-frequency na lindol ng bulkan.
Ang aktibidad sa main crater ng bulkan ay pinangunahan ng pagtaas ng maiinit na volcanic fluid sa lawa nito na nagdulot ng mga plume na umabot ng 900 meters ang taas.
Nananatili sa alert level 2 ang taal habang pinaalalahanan ng phivolcs ang publiko sa biglaang pagsabog ng singaw o gas, volcanic earthquakes at minor ash fall ng bulkan.
Inabisuhan din ang mga piloto na iwasang magpalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa abo at ballistic fragment mula sa biglaang pagsabog nito.