Inihayag ng COMELEC na maglalagay sila ng mga Emergency Accessible Polling Places (EAPP) para sa persons with disabilities, senior citizens at mga buntis para hindi sila mahirapan sa pagboto sa Mayo a–9.
Nakasaad sa Resolution 10761, ilalagay ang EAPP sa unang palapag ng mga gusaling gagamitin sa eleksyon o kaya naman ay sa labas nito na madaling mapupuntahan.
Layunin ng komisyon sa isasagawang EAPP na ma-accommodate ang hanggang sampung PWD, senior citizen at buntis.
Kailangan ding mayroong mga rampa, malalaking signages at directional signs sa entrada ng mga voting center, may hugasan at Filipino sign language interpreter ang mga nasabing polling places. —sa panulat ni Mara Valle