Inihayag ni Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas President Orlando Marquez na hindi siya 100% sang-ayon sa pagsuspindi ng excise tax sa langis.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Marquez na ito ay dapat na unti-untiin.
Alam mo ako ay hindi naman sang-ayon na 100% na isuspinde kundi unti-untiin naman sana dahil unti-unti naman tayong pinapatay sa presyo ng langis di ba?dapat ay halimbawa yung maigit na sampung piso na excise tax, e di hatiin muna nila para di naman mabankrupt ang gobyerno natin
Nanawagan naman si Marquez sa pangkalahatan ng public transport na basahin ang isang Memorandum Circular No. 2021-021
Dapat kasi itong mga requirements ng public utility vehicle modernization program, inire-review nila at nagkakaroon sana ng usapan ng malalim ito dahil ito po ay una may pondo, dapat ma-rationalize, gusto namin itong rationalization at ito po hindi kami tumututol sa public utility vehicle modernization program dahil ito ay delivery ng magandang sasakyan sa ating mga pasahero, safety na sasakyan sa ating mga pasahero at convenienteng sasakyan sa ating mga pasahero at dapat affordable
- sa panulat ni Airiam Sancho