Papayagan nang makapasok simula ngayong araw, Pebrero a-25 ang mga turistang nais bumisita sa Siargao Island sa Surigao Del Norte.
Ito ay matapos padapain ng bagyong Odette ang naturang lugar kung saan, nalugi ang kanilang turismo dahil sa mahigit dalawang buwan na pagsasara nito.
Nabatid na mula sa 120 tourist boats na nakarehistro sa Office ng Del Carmen noong nakaraang taon ay bumaba na ito sa 50 boats matapos masira nang nagdaang bagyo.
Sa pagbubukas nito, umaasa ang lalawigan na magsisimula na ang pagbuhay at paglago ng kanilang turismo sa tulong ng mga turista.
Pinaalalahanan naman ang mga turista na hindi lahat ng amenities ay available kabilang na ang mga cottage at iba pang serbisyo.
Samantala, papayagan naman na makapag-operate ang nasa 50 bangka para gamitin ng mga turistang nais magpunta sa Sugba Lagoon, Kawhagan Island, at Sandbar na kilalang tourist spot sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero