Inihayag ng Department of Health (DOH) na handa na ang National Capital Region (NCR) sa pagbaba ng alert level 1 mula sa kasalukuyang alert level 2.
Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque, III na “hinog” na ang Metro Manila sakaling ilagay ito ng Inter Agency Task Force (IATF) sa pinaka-mababang status pagsapit ng Marso.
Ayon kay Duque nasa 83% na ng mga senior citizens sa NCR ang bakunado na laban sa COVID-19 at nasa mahigit 100% na rin ng target population sa rehiyon ang fully vaccinated na laban sa virus.
Sa ngayon, kasalukuyang nasa alert level 2 hanggang sa Pebrero a-28 ang Metro Manila. —sa panulat ni Angelica Doctolero