Naka-quarantine ngayon ang South Korean star na si Park Seo-Joon matapos magpositibo sa COVID-19.
Wala namang sintomas ng sakit ang aktor at kasalukuyang nasa recovery stage na.
Fully vaccinated at nakatanggap na rin ng booster shot ang aktor.
Si PSJ ay bumida sa ilang sikat na K-Dramas tulad ng “Itaewon Class,” “She Was Pretty,” “Hwarang,” “Fight For My Way,” at “What’s Wrong With Secretary Kim.”