Nagpaliwanag ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung bakit ang Metro Manila ang napiling venue para sa APEC Summit.
Bukod sa ang Maynila ang kabisera ng bansa, sinabi ni DFA Undersecretary Laura del Rosario na ito lamang kasi ang kayang mag-accommodate ng 10,000 katao na sasaksi sa nasabing pagpupulong.
Ayon pa kay Rosario, maituturing na isang wedding of the century ang APEC at ang bawat isa ay gustong dumalo rito.
Inaasahan ng DFA official ang pagdalo ng 20 bansang miyembro ng APEC pero kanina lamang ay kinumpirma na ng China ang pagdalo ni Chinese President Xi Jinping.
Matatandaang noong 1996, idinaos ang APEC Summit sa Subic Bay, Zambales.
By Meann Tanbio | Allan Francisco