Pinaghahanap na ng Philippine National Police (PNP) ang pinanggalingan ng kumalat na maling impormasyon upang guluhin ang ginagawang imbestigasyon sa pagkawala ng 31 sabungero.
Ayon kay Brigadier General Augustus Alba, public information officer ng PNP, hinahanap na nila ang nag-post ng isang larawan sa facebook kung saan makikitang nasa crime scene ang ilang pulis.
Fake news kasi aniya ang larawan at magdudulot lamang ng dagdag pighati sa mga pamilya ng sabungero.
Batay sa post na hindi pa binubura hanggang kahapon ng tanghali, naganap ang crime scene sa Tanay sa Rizal.
Pinabulaanan naman ito ng pnp ang sinabing galing ang larawan sa ambush sa guidulungan sa Maguindanao kung saan siyam na katao ang nasawi. – sa panulat ni Abigail Malanday