Magbubukas ngayong araw ng isang-daang pop-up vaccination sites ang Quezon City government upang mahikayat ang marami pang residente na magpabakuna na kontra COVID-19.
Kinabibilangan ito ng isang-daan at talumpung grupo ng mga doktor, nurse, iba pang healthcare workers, barangay workers at volunteers.
Magtuturok sila ng primary at booster shot ng bakuna kontra COVID-19.
Sa pamamagitan ng programa, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na tulong ito upang maabot ang 100 porsyentong adult at pediatric vaccination sa lungsod. - sa panulat ni Abigail Malanday