Inihayag ni dating socio-economic planning secretary Ernesto Pernia na posibleng tumaas din ang presyo ng noodles, karne, manok, harina, at gas bunsod sa nangyayaring krisis sa Ukraine.
Dadag pa ng dating opisyal, na magugulo ang kalakalan kung saan, ang pilipinas ay maraming ina-angkat sa ibang bansa dahil hindi sapat ang bansa sa maraming bagay.
Nauna nang nabanggit ng Department of Trade and Industry na pag-aaralan pa nila ang taas-presyo sa ilang produkto.
Samantala, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, na sa pagbubukas ng ekonomiya sa Alert Level 1, mas maraming negosyo ang maaaring magpatuloy na makapagsimula at mas maihanda ang kanilang sarili sa anumang maaaring mangyari. -sa panulat ni Kim Gomez