Sisimulan ng Quezon City government ang area-based COVID-19 vaccination para sa mas maraming residente sa lungsod.
Ayon sa pamahalaang lungsod, pansamantalang isasara ang lahat ng regular na vaccination site sa Pebrero 26.
Humigit-kumulang 130 mga healthworkers, manggagawa sa barangay, at mga boluntaryo ang pupunta sa mga “purok” upang mag-inoculate ng mga indibidwal.
Samantala, ang lahat ng mga bata na gustong mabakunahan ay naka-iskedyul para sa pagbabakuna sa pedia vaccination sites o ire-refer sa anim na put anim na health centers ng lungsod na mananatiling bukas para ma-accommodate ang mga interesadong residente. – sa panulat ni Kim Gomez