Ang pagtulog sa tanghali at pag-idlip ay may magandang benepisyo sa katawan.
Ayon sa isang eksperto, nakababawas ito sa stress, pampaganda ng memory, gaganda ang performance sa trabaho, magkakaroon ng enerhiya at sisigla ang mood.
Ang unang 10 hanggang 20 minutong pagtulog ay tamang-tama para ma-refresh.
Sakali namang umabot sa 30 hanggang 60 minutes ang pag-idlip sa tanghali ay posibleng maalimpungatan at maapektuhan ang pagkilos dahil sa pakiramdam na bagong gising.
Dagdag pa ng eksperto, posibleng magkaroon ng insomia ang isang tao kapag umiidlip o natulog ng mas mahabang oras sa tanghali.