Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na taas-pasahe ng ilang transport groups.
Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, inaaral ng ahensya ang petisyon ng ilang driver at operators na itaas sa P10 mula sa P9 ang minimum na pasahe sa jeep.
Sa katunayan aniya, mayroon nang nakatakdang pagdinig tungkol sa nasabing isyu na isasagawa sa March 8.
Una na ring sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na maaaring makaapekto sa paggalaw ng presyo ng krudo ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Matatandaang inihayag ng ilang driver at operators na hindi na nila kaya pa ang sunod-sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo na sa ngayon ay nasa higit P60 kada litro.