Nasa ligtas at maayos na kalagayan na ang mga Filipino crew member na nakasakay sa Turkish ship matapos tamaan ng Russian bomb sa Port City of Odessa, Ukraine.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ipinaabot sa kanila ng Personnel Relations Officer of Yasa, ligtas ang lahat ng tauhan ng barko kabilang ang 11 Pinoy.
Anila, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Embassy and Consulate General para ipaabot ang kailangan tulong ng mga apektadong Pilipino.
Nakausap na rin ng mga Pinoy crew members ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
Nilinaw rin ng DFA na iba ang barkong ito sa naunang another cargo ship na pagma-may-ari ng Japan kung saan isang Pilipino ang nasugatan dahil sa missile attack ng Russia.
Nabatid na umabot na sa tatlong non-military vessels ang napinsala ng ilang pampasabog simula nang lusubin ng Russia ang bansang Ukraine.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles