Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakaapekto sa supply ng bakuna sa bansa ang nangyayaring krisis sa Ukraine.
Siniguro ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na kakayanin ng bansa, basta’t maayos ang mga contract agreements sa mga manufacturers ng bakuna, ngunit maaaring tumaas ang mga gastos sa pag-transport.
Noong Pebrero a-24, tumalon ang mga presyo ng langis nang higit sa 100 US dollar kada bariles matapos maglunsad ang Russia ng military assault laban sa Ukraine.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Cabotaje na naka-schedule pa rin ang mga shipments ngunit may ilang mga pagka-antala sa transport ng mga bakuna para sa lima hanggang labing isang taong gulang.
Samantala, nabanggit ng health undersecretary, na ang bansa ay walang planong bumili ng dadag na mga bakuna sa Sputnik V dahil ang mga supply sa bansa ng nasabing bakuna ay “sapat”. —sa panulat ni Kim Gomez