Umabot na sa mahigit 100,000 ukrainians ang tumawid sa border patungong Poland.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na hidwaan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Polish Deputy Interior Minister Pawel Szefernaker (se-per-na-ker), siyam sa porsyento ng mga refugee ay may kongkreto nang titirhan tulad ng kanilang kamag-anak at kaibigan.
Habang ang natitirang sampung porsyento ay magtutungo na lamang sa mga reception centers na nakalatag sa mga borders.
Tiniyak naman ng Poland ang tulong sa mga refugees sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain, atensyong medikal at iba pa.
Batay sa huling ulat, nasa 1.5 milyong Ukrainians ang naninirahan sa Ukraine. —sa panulat ni Abby Malanday