Inihayag ni Russian President Vladimir Putin na nagsasayang lang ng oras, panahon at pagkakataon ang Ukraine na magsagawa ng pakikipag-usap para itigil ang tensyon at digmaan.
Nabatid na nais umanong makipag-usap ng Russia sa mga otoridad ng Kyiv sa border ng Belarus na nagbigay ng daan para salakayin ang Ukraine.
Ayon sa opisina ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, nagkasundo ang mga politician na makipagkita ang Ukrainian Delegation sa Russian na walang Preconditions sa Ukraine-Belarus border, malapit sa Pripyat River.
Sinabi ni Zelenskyy na handa ang kanilang bansa sa pakikipag-ayos sa Russia, ngunit agad nitong tinanggihan ang Ukraine habang nasa Belarus Border.
Sa ngayon, patuloy na nakikipag ugnayan ang Ukraine sa Russia upang mapigilan o ihinto ang pananakop nito sa kanilang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero