Pinaghahanda na ng PAGASA ang mga Pilipino sa inaasahang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Ito ayon sa PAGASA ay kasunod na rin nang pagtatapos ng northeast monsoon o hanging amihan season na nagdadala ng malamig na panahon sa Luzon at iba pang bahagi ng bansa.
Ipinabatid ng PAGASA na nagsisimula nang maramdaman ang easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
Gayunman, wala pang opisyal na deklarasyon ang PAGASA hinggil sa pagtatapos ng amihan season o pinakamalamig na panahon sa bansa na nagsisimula sa buwan on Oktubre o Nobyembre.