Tinatayang 500K pang trabaho ang magre-resulta sa pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila at halos 40 lugar simula bukas, March 1.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, asahan ng mga negosyo ang mas maluwag na mga panuntunan sa ilalim ng Alert Level 1 sa operating capacity, pag-aalis ng physical barriers sa mga establishment at optional na ang Work From Home (WFH) arrangements.
Gayunman, tiniyak ni Lopez na dapat pa ring mahigpit na sundin ang health protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask, regular disinfection, ventilation at vaccination.
Kasabay nito, ipinabatid ni Lopez na malapit nang maabot ng bansa ang 5% pre-pandemic employment rate.