Umakyat na sa 11 ang naitalang namatay sa pagtama ng magnitude 6.2 na lindol sa Indonesia noong Biyernes, na naramdaman din sa Malaysia at Singapore.
Ayon sa National Disaster Mitigation Agency, anim katao ang nasawi sa Pasaman District at lima naman sa West Pasaman District.
Halos 400 naman ang sugatan at 42 katao ang patuloy na ginagamot.
Mahigit 13,000 indibidwal ang naapektuhan ng naturang lindol at umabot na sa 1,400 kabahayan at gusali ang napinsala.