Higit na mapapalakas ang mga negosyo tulad ng mga tindahan at mga restaurant sa pagsailalim sa alert level 1 ng Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Binigyang-diin ito ni Trade And Industry Secretary Ramon Lopez dahil maraming tao na ang lalabas at mag-o-opisina na kasama na yung mga sumailalim sa work from home arrangement nuong mga nakalipas na buwan.
Kasabay nito ipinabatid ni Lopez na mababawasan na rin ang requirements para sa intrazonal at interzonal travels tulad ng RT-PCR test at pnp clearance at malaking bagay pa rin aniya ang vaccination card.