Patay ang tatlong Chinese nationals na suspek sa pag kidnap sa kapwa nila Chinese.
Kasunod na rin ito ng engkuwentro ng kampo ng mga suspek at mga otoridad sa Paranaque City kung saan naman nailigtas ang dalawang biktima.
Ayon kay SPD Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg, nakipag-barilan ang mga suspek sa mga pulis kayat nasawi ang mga ito dalawang linggo matapos dukutin ang mga kapwa Chinese.
Sinabi ni Macaraeg na posibleng sa isang malaking grupo nabibilang ang mga suspek dahil bukod sa mga armas, mayruon ding mga uniform ng sundalo at pulis at may plaka ang mga sasakyang ginagamit ng mga suspek sa kanilang modus.
Posible rin umanong tino-torture ng mga suspek ang mga biktima dahil nakakuha ng pala at baseball bat sa bahay na pinagtaguan sa mga dinukot.