Epektibo na simula ngayong araw ang mas maluwag na Alert level 1 sa Metro Manila at 38 iba pang lugar bunsod ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.
Bukod sa National Capital Region, kabilang sa mga isinailalim sa Alert level 1 ang Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Dagupan City, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Batanes, Cagayan;
Santiago City sa Isabela, Quirino, Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Cavite, Laguna, Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon;
Naga City, Catanduanes, Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Siquijor, Biliran, Zamboanga City, Cagayan De Oro City, Camiguin at Davao City.
Sa ilalim ng Alert level 1, tinanggal na ng Inter-Agency Task Force ang restrictions sa indoor at outdoor capacities habang puwede na rin ang intrazonal at interzonal travel para sa lahat ng edad at kahit may comorbidities.