Napromote si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Vicente Danao Jr. bilang Chief ng Directorial Staff ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, epektibo ito ngayong araw.
Papalitan si Danao ni Police Major General Felipe Natividad bilang bagong director ng NCRPO.
Naglingkod ito sa PNP Special Action Force bago ilagay sa pwesto.
Nitong Pebrero, unang pinangalanan ni PNP Chief General Dionardo Carlos ang bagong posisyon ng 16 na opisyal bilang parte ng major re-organization sa PNP. -sa panulat ni Abigail Malanday