Tiniyak ng Malacañang sa mga ahensya ng gobyerno na nasusunod ang required On-site workforce sa mga lugar na sakop ng umiiral na Alert level system sa bansa.
Base sa Memorandum Circular no. 96, dapat ay nasa 100% ang on-site workforce ng mga opisina nasa ilalim ng Alert level 1.
Nasa 80% naman ang mga lugar na nasa Alert level 2; 60% sa Alert level 3 habang at 40% naman ang mga lugar na nasa Alert level 4.
Ang mga nasa Alert level 5 naman ay kailangang magpatupad ng Skeleton workforce On-site at Alternative work arrangement na aprubado dapat ng Head Agency maliban na lamang kung mas malaking On-site capacity ang required, tulad sa hanay ng health at emergency services, laboratories, testing services, border control, at iba pang kritikal na serbisyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero