Inalis na ng Bureau of Immigration (BI) ang Work-from-Home set up o ang Work Arrangement Scheme sa kanilang mga empleyado.
Kasunod ito ng pagbabalik sa 100% ng On-site working capacity sa kanilang mga tanggapan sa Metro Manila.
Matapos ibaba sa Alert level 1 ang status sa National Capital Region at 38 pang lugar sa bansa.
Ayon sa BI, patuloy paring ipatutupad ng kanilang ahensya ang mahigpit na health protocols sa lahat ng empleyadong papasok at lalabas ng tanggapan.
Magsisimula ang kanilang working hours alas-7 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes. —sa panulat ni Angelica Doctolero