Mahigit 1.7K mga paaralan ang nagpatuloy ng limited face-to-face classes sa bansa.
Ayon kay Department of Secretary Leonor Briones, kabuuang 1,726 na mga paaralan ang kabilang sa expanded In-person classes na nasuspindi noong nagsimula ang pandemya dalawang taon na ang nakalipas.
Aniya, inaasahan ng kagawaran na marami pang mga paaralan ang lalahok sa naturang klase dahil sa pagluluwag ng quarantine restriction sa bansa, partikular na sa Metro Manila.
Samantala, tatalakayin din aniya ng kagawaran sa Department of Health kung posibleng luwagan ang COVID protocol sa mga paaralan. —sa panulat ni Airiam Sancho