Aminado si Labor Secretary Silvestre Bello na masyadong maliit ang 537 pesos na minimum wage sa National Capital Regional (NCR).
Gayunman, sinabi ng kalihim na ang adjustment sa minimum wage ay nakadepende sa assessment ng regional wage board, at ikinukonsidera rin ang kapasidad ng employers.
Nitong Martes nang humirit ang ilang grupo ng manggagawa ng umento sa sahod matapos ang serye ng oil price hike.
Sinabi ni Ecumenical Institute for Labor Education and Research Executive Director Rochelle Porras, dapat na itaas sa 750 pesos ang sahod o kalahati ng family living wage.
Sinabi naman ni Bello na kailangan munang pag-aralan ng regional wage board ang pangangailangan ng mga manggagawa at maging ang kakayahan ng mga employer.