Nasa 17 na lamang ang bilang ng aktibong kaso sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Health Service, isang personnel lamang ang bagong tinamaan ng COVID-19 kaya’t umakyat na sa 48,816 na ang total COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Pitong pulis naman ang gumaling sa naturang sakit, dahilan para umakyat na sa 48,671 na ang total recoveries.
Nananatili naman sa 128 ang COVID-19 related deaths sa PNP. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)