Ibabalik na ang mga tradisyunal na aktibidad sa loob ng simbahan ngayong nasa alert level 1 na ang National Capital Region (NCR) at 38 pang mga lugar.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, na magpapatuloy pa rin ang online masses at ipinatutupad pa rin aniya ang pagsusuot ng face mask at physical distancing sa loob ng simbahan kahit nasa pinakamaluwag na alert level na.
Sinabi pa ni Badong na pinagpupulungan na rin nila ang mga aktibidad para sa Semana Santa.